Mga Bagong Bayani

Rhona Mahilum
Noong gabi ng Mayo 26, 1996, nagising si Rhona Mahilum na nasusunog ang kanilang munting dampa. Wala noon ang kanyang mga magulang. Nagawa niyang iligtas ang kanyang apat na maliliit na kapatid. Isa-isa niyang inilabas ang mga ito mula sa nasusunog nilang dampa.

Si Rhona mahilum ay nagtamo ng sunog sa kanyang leeg at likod. Siya ay binigyan ng dating Pangulong Fidel V. Ramos ng parangal sa kanyang kakaibang tapang. Siya ay dakilang kabataan, isang walong taong gulang na batang babae, isang bagong bayani. [Sinag ng Lahi 3]

Sahjid Bulig
Si Sajhid Bulig ay isang dakilang boy scout. Inialay niya ang kanyang buhay upang iligtas ang kanyang kapwa tao.

Maraming buhay ang kanyang iniligtas sa trahedyang naganap sa ilog ng Bocaue noong Hulyo 2, 1993.

Sa paglubog ng pagoda ay kanyang nailigtas ang isang batang babae. Hindi pa siya nasiyahan, muli siyang tumalon sa tubig at iniligtas pa ang limang maliliit na bata.

Sa di-inaasahang pangyayari ay nabagsakan siya ng isang bahagi ng pagoda. Iyon ang dahilan ng kanyang pagkamatay. Iyon ay isang uri ng kamatayang marangal sapagkat iyon ang nagbigay ng buhay sa iba. [Sinag ng Lahi 3]

Chrisanta Seboc
Apat na taong gulang pa lamang siya noon, ngunit nailigtas niya ang kanyang dalawang kapatid nang masunog ang kanilang tahanan noong Hulyo 5, 1996. Nais pa sana niyang iligtas ang isang kapatid na sanggol, ngunit pinigil na siya ng mga dumating na kapitbahay. Naganap ang pangyayari sa Barangay Teresa, Jordan, Guimaras. [Ang Lahing Pilipino 3]

Maria Fe Sotelo
Pangarap niyang maging pulis, ngunit dahil kulang siya sa taas, hindi siya matanggap. Ang kanyang pangarap ay natupad nang ibalik niya ang kalahating milyong piso na naiwan ng may-ari sa palikuran. Siya ay naglilingkod noon bilang gwardiya sa Festival Mall, Alabang. Natanggap siya sa Pambansang Kapulisan bilang gantimpala sa kanyang katapatan. Nangyari ito noong Enero 7, 2003. [Ang Lahing Pilipino 3]

Emilio Advincula
Hinangaan ang kanyang katapatan nang isauli niya ang pera ng isang balikbayang Pilipino. Isinauli niya rito ang dalawang milyong piso, mga alahas, at libo-libong dolyar na natagpuan niya sa kanyang minamanehong taxi noong 1996. [Ang Lahing Pilipino 3]

Related Post

3 comments:

Hans Bosshard on September 16, 2009 at 7:01 PM said...

sa wakas, tapos na rin Araling Panlipunan ko!

Anonymous said...

meron pa kaya

Jef Menguin on October 12, 2010 at 8:25 PM said...

There are many heroes in the Philippines. You can be one of them.