Showing posts with label homework help in Filipino. Show all posts
Showing posts with label homework help in Filipino. Show all posts

Mga Awiting Bayan #3

Mga awiting buhat sa Visayas at Mindanao

Ako'y Pobreng Alindahaw

Ako'y pobreng alindahaw
Sa hoyohoy guianod-anod
Nangita ug kapaniba-an
Ahay, sa tanaman
Sa mga kabulakan

Aroy Aroy Aroy Aroy Aroy Aroy
Aroy Aroy Aroy Aroy Aroy Aroy
Ani-a si bulak
Sa mga Kahidlaw

Aroy Aroy Aroy Aroy Aroy Aroy
Aroy Aroy Aroy Aroy Aroy Aroy
Dili ka ba malo-ay
Ning pobreng alindahaw

Ang Alibangbang

Ang alibangbang nanglupad-lupad
Sa mañnga dalan nanglikiliki
Sukla ang saya, bordado ang naguas,
Unay ang baliug sa bayong de Pariz.

Cag sa pinong sang husay ñga moda
Calung ang buhuc liston ñga pula
Con toloctolocon mo'y culbaanca,
A bi mo consino nga mariposa.

No Te Vayas

No te vayas, no te vayas de Zamboanga
Que me puedes, qu me puedes olvidar
No te vayas, no te vayas si me de jas
Por que sentir, no puede estar
No illores paloma mia
No illores te volvere
No illores quen cuando llege
Paloma mia cordare.

Related Posts

Mga Awiting Bayan #2

Awiting Tagalog

Leron-Leron Sinta

Leron-leron, sinta
Buko ng papaya
Dala-dala'y buslo
Sisidlan ng bunga
Pagdating sa dulo
Nabali ang sanga
Kapus kapalaran
Humanap ng iba

Doon Po sa Amin

Doon po sa amin
Bayan ng San Roque
May nagkatuwaang
Apat na pulubi
Sumayaw ang pilay
Kumanta ang pipi
Nanood ang bulag
Nakinig ang bingi

Paruparong Bukid

Paruparong bukid, na lilipad-lipad
Sa gitna ng daan, papaga-pagaspas
Sambara ang tapis, sandangkal ang manggas
Ang sayang de kola sampiyesa ang sayad.
May payneta pa siya. Uy!
May suklay pa mandin. Uy!
Nagwas de ohetes ang palalabasin
Hararap sa altar
At mananalamin
At saka lalakad ng pakendeng-kendeng.

Related post(s)

Halimbawa ng Salawikain #2

Ang bayaning nasusugatan,
nag-iibayo and tapang.

Ang naghangad ng kagitna,
isang salop ang nawala.

Ang taong sobra sa salita,
kadalasa'y kulang sa gawa.

Ang tunay na kaibigan,
sa gipit nasusubukan.

Ang taong gumagawa,
may ginhawang mapapala.

Huli man daw at magaling,
ay maihahabol din.

Ang magpunla ng hangin,
bagyo ang aanihin.

Habang maiksi ang kumot,
matuto kang mamaluktot.

Bago mo punahin ang sa ibang uling,
mukha mo muna ang iyong linisin.

May tainga ang lupa;
may pakpak ang balita.

Related post(s)

Halimbawa ng Salawikain #1

Ang salawikain ay pahayag na kapupulutan ng aral.

Pag may isinuksok,
May madudukot.

Nasa Diyos ang awa;
Nasa tao ang gawa.

Pag hangin an itinanim,
Bagyo ang aanihin.

Ang maniwala sa sabi-sabi,
Walang bait sa sarili.

Aanhin pa ang damo,
Kung patay na ang kabayo.

Ang hindi lumingon sa pinanggalingan,
Di makararating sa paroroonan.

Ang lumakad nang matulin,
Kung matinik ay malalim.

Huwag magsiksikan;
Tayo'y magbigayan.

Lalong maganda ang kinabukasan,
Kung tayo'y may pinag-aralan.

Ang walang pagod mag-ipon,
Walang hinayang magtapon.

Related post(s)

Halimbawa ng Idyoma

Ang idyoma o sawikain ay matalinghagang pahayag na may malalim ng kahulugan.
  • anghel ng tahanan - maliit na bata
  • anak-pawis - dukha, mahirap
  • nagsusunog ng kilay - nagsisikap sa pag-aaral
  • bantay-salakay - tagabantay na siyang nagnanakaw
  • bukambibig - madalas na binabanggit
  • bukas ang palad - maawain, laging nagbibigay ng tulong sa iba
  • butas ang bulsa - walang pera
  • kumukulo ang dugo - nagagalit
  • kabiyak ng dibdib - asawa
  • daga sa dibdib - takot
  • di makabasag pinggan - mahinhih
  • dugong mahal - buhat sa mayaman at marangal na pamilya
  • hilong talilong - nalilito, di malaman ang gagawin
  • maglubid ng buhangin - magsisinungaling
  • mahaba ang buntot - laki sa layaw
  • nahuhulog ang katawan - namamayat o nanghihina ang katawan
  • hinahabol ng gunting - mahaba ang buhok
  • nagsukatan ng lakas - nag-away
  • putok sa buho - anak sa labas
  • utak biya - mahina ang ulo

Mga Awiting Bayan #1

Atin Cu Pung Singsing
Awitin ng mga Kapampangan

Atin cu pung singsing
Metung iang timpucan
Amana que iti qñg indung ibatan
Sangcan queng sininup
Qñg metung a caban
Menala ia ite, ecu camalaian
lng sucal ning lub cu
Susucdul quing banua
Picurus cung gamat
Babo ning lamesa
Ninu mang manaquit
Quing singsing cung mana
Calulung pusu cu
Manginu ya caya.

Sarong Banggi
Awitin ng mga Bicolano

Sarong banngi, sa higdaan
Nakadangog ako, nin huni nin sarong gamgam'
Sa luba ko, katurugan,
Bako kundi simong boses iyo palan.
Dagos ako bangon si sa kuyang mata iminuklat,
Sa diklum nin banngi ako nangalag-kalag,
Si sakong paghiling pasiring sa itaas,
Simong lawog nahiling ako maliwanag.
Balik ako sa higdaan,
Idtong bangging dai nangad ako malilingaw
Nakatala pa sa daghan
Ano man gibuhon sain man pumaduman.

Pamulinawen
Awiting mula sa lalawigan ng Ilocos

Pamulinawen, pusoc, imdengam man,
Toy umasasug a agrayo ita sadiam.
Panunotem man ta dika paguintutulngan,
Toy agayat a agrayo ta sa diam

Essem mo't diak kalipatan
Ken nasudi unay a nagan,
Ta uray sadin ti yan, disso sadino man
Aw-awagak a di agsarday
Ta nagan mo nga kasamitan.
No malaquip ka pusok ta mabang-aran

Related Posts

Halimbawa ng Klaster

Ang klaster o kambal katinig ay dalawang katining na magkasunod. Ang mga ito ay maaring makita sa unahan, gitna o hulihan ng isang salita.

Klaster sa unahan ng salita:

braso, brilyante, bruha, Brazil, blusa, kwaderno, kwarto, kwadra, kwento, kwitis grasa, gramo, grupo, globo, gripo, planeta, plano, plebisito, pluma, pluta, prutas, preno, presyo, pluma, tren, trambya, trumpeta, trumpo

Klaster sa gitna ng salita:

kontrata, kontrabida, kongreso konstruksyon, kumpleto, eskwela, eskriba, makrema, plantsa, sakripisyo, sobre

Klaster sa hulihan ng salita:

kard, planelbord, iskawt, nars, plaslayt, blakawt, beysment, kyuteks, klerk, tsart

Bugtung-Bugtong

Bugtong
  • isang uri ng libangan na ginagamit ng ating mga ninuno.
  • isang palaisipan na ipinahahayag ng patugma.
  • naglalarawan ng mga bagay, tao, hayop, prutas sa malikhaing paraan.
  • hindi literal ang paglalarawan.
Mga bugtong tungkol sa Bagay.
  • Hindo puno, hindi halaman, Mga dahon niya'y karunungan. [Aklat]
  • Sa araw ay bumubuhay sa gabi ay pumapatay. [Bahay]
  • Maraming ulo, iisa ang sombrero. [Bahay]
  • Sa araw ay bungbong, Sa gabi ay dahon. [Banig]
  • Kung gabi ay dahon, kung araw ang bungbong. [Banig]
  • Kakalat-kalat, natisud-tisod, ngunit kapag tinipon, matibay ang muog. [Bato]
  • Nakakapagod kung tumigil, Kung tumakbo'y giliw na giliw. [Bisikleta]
  • May ulo'y walang tiyan, Mag leeg walang baywang. [Bote]
  • Mga tungkod ni Ising, Kayhirap bilangin. [Buhok]
  • Araw-araw bagong buhay, Taun-taon ay namamatay. [Kalendaryo]
  • Binili ko ng mahal, isinabit ko lamang. [Hikaw]
  • Hind hari, hindi pari, nagdadamit ng sari-sari. [Sampayan]
  • Ang ngalan ko ay iisa, ang uri ko'y ibang-iba, gamit ako ng balana, sa daliri nakikita. [Singsing]
  • Nang hinawakan ko'y namatay, Nang itapon ko'y nabuhay. [Trumpo]
  • Isa ang pinasukan, tatlo ang nilabasan. [T-shirt]
  • Isang suman magdamag kong tinulugan. [Unan]
  • Isang hukbong sundalo, Dikit-dikit ang mga ulo. [Walis]
  • Kung tingnan mo'y mainit, Umuusok ang paligid. [Yelo]
Mga bugtong tungkol sa Hayop.
  • Aling hayop dito sa mundo na ang labi ay buto? [Ibon]
  • Maliit pa si kumpare. Umaakyat na sa tore. [Lanngam]
  • Paghiyaw, pagsenyas, tama sa oras. [Manok]
  • Isang prisesa, Hila-hila ang saya. [Manok]
  • Ang mukha'y parang tao, magaling lumukso. [Matsing]
  • Hindi naman hari, hindi naman kapitan, Mataas ang luklukan. [Matsing]
  • Isa ang natipo, apat tumubo. [Palaka]
  • Pag munti'y may buntot, Paglaki ay punggok. [Palaka]
  • Hindi naman bulag, Pero di nakakakita sa liwanag. [Paniki]
  • Sa araw ay nahihimbing, Sa gabi ay gising. [Paniki]
  • May kapa ay di naman pari, May korona di naman hari. [Tandang]
  • Mas malaki ang mata, kaysa kanyang ulo. [Tutubi]
Mga bugtong tungkol sa Kalikasan.
  • Heto na, heto na, malayo pa'y humahalakhak na. [Alon]
  • Itinanim kinagabihan, inani kinaumagahan. [Bituin]
  • Kabayo kong payat pitong bundok, pitong lubak and nilundag. [Kidlat]
  • Baka ko sa Bataan, abot dito ang unga. [Kulog]
  • Napapakiramdaman, napapakinggan, ngunit hindi mo nakikita, minsan man. [Hangin]
  • Hayan na, hayan na. Hindi nakikita. [Hangin]
  • Kalamay ng hari hindi mahati-hati. [Tubig]
Mga bugtong tungkol sa Halaman at Prutas.
  • Hindi tao, hindi hayop, hindi natin kaanu-ano pero ate nating pareho. [Atis]
  • Nang sumipot na sa liwanag, Kulubot na ang balat. [Ampalaya]
  • Bumuka'y walang bibig, Ngumingiti nang tahimik. [Bulaklak]
  • Isang senyora, Nakaupo sa tasa. [Kasoy]
  • Aso kong si Turko, Nakalabas ang buto. [Kasoy]
  • Munting uling, bibitin-bitin, Masarap kanin, mahirap kunin. [Duhat]
  • Tinaga ko ang puno, Sa ulo nagdurugo. [Gumamela]
  • Isang tungkos ng bakule, Sa itaas na lumaki. [Saging]
  • Hindi Linggo, hindi piyesta, Naglawit ang bandera. [Saging]
  • Nang ihulog ko ay buto, Nang hanguin ko ay turumpo. [Singkamas]
Mga bugtong tungkol sa Tao.
  • Sa silong naglalagi, Basa pa ring lagi. [Dila]
  • Dalawang magkapatid, Nag-uunahang bait. [Binti]
  • Dalawang bunduk-bundukan, Hindi maabot ang tanaw. [Kilay]

Ano-ano ang ang mga teorya ng pinagmulan ng Pilipinas?

  • Sinasabi na sa pagkatunaw ng mga yelo, tumaas ang tubig sa dagat at lumubog ang mga tulay na lupa na nag-uugnay sa Pilipinas sa ibang lupain sa Asya. Dito napahiwalay ang Pilipinas sa ibang lupain sa Asya.
  • Si Dr. Bailey na isang heologo ay nagsabi na ang Pilipinas ay nabuo mula sa pagsabog ng mga bulkan sa Karagatang Pasipiko.
  • Ang lupain ng Pilipinas ay nabuo buhat sa kailaliman ng dagat. It ay sanhi ng malakas na lindol. Bunga ang lindol sa pagsabog ng bulkan. Ito ay pahayag naman ni Frijo Voss na isang syentipikong Aleman.

Mga halimbawa ng tambalang salita.

Gitling

anak-mayaman, bahay-kubo, bahay-palaruan, bahay-sugalan, balat-sibuyas, batasang-bayan, bigay-alam, bigay-kaya, buhay-alamang, bukas-palad, dalagang-bayan, dalagang-bukid, dilang-anghel, kapuwa-tao, matang-manok, paksang-aralin, pangulong-bayan, pinawalang-sala, pusong-bakal

Magkadikit

habangbuhay, kathambuhay, punongkahoy, talaarawan, talambuhay

May espasyo

alagang hayop, balik aralin, balik tanaw, balitang pangkalakalan, batang kalye, kanang kamay, kaning baboy, kibit balikat, gintong ani, ligaw tingin, tubong lugaw

Mga Alamat ng Pilipinas

Alamat ng mga Prutas

Alamat ng Bayabas, Alamat ng Durian, Alamat ng Kamatsile, Alamat ng Kasoy, Alamat ng Lansones, Alamat ng Makopa, Alamat ng Niyog, Alamat ng Pakwan, Alamat ng Pinya, Alamat ng Saging, Alamat ng Sampalok

Alamat ng mga Hayop

Alamat ng Aso, Alamat ng Butiki, Alamat ng Gagamba, Alamat ng Matsing, Alamat ng Pagong, Alamat ng Paruparo, Alamat ng Tandang

Alamat ng mga Bundok at Bulkan

Alamat ng Arayat, Alamat ng Banahaw, Alamat ng Kanlaon, Alamat ng Mayon, Alamat ng Pinatubo, Alamat ng Taal

Alamat ng mga Bulaklak at Halaman

Alamat ng Alagaw, Alamat ng Ilang-ilang, Alamat ng Kawayan, Alamat ng Palay, Alamat ng Pipino, Alamat ng Rosas, Alamat ng Sampaguita

Alamat ng mga Bayan at Lugar

Alamat ng Chocolate Hills, Alamat ng Hagdan-hagdan Palayan sa Ifugao, Alamat ng Ilog Pasig, Alamat ng Mindanao

Reference and Link

http://www.geocities.com/bestbear_megson27/alamat.html